
Informasi pemeran belum tersedia.
Mga singing champions, nagsama-sama sa eksena! Vocal pasabog ang Day 5 ng Disisyete celebration ng "It's Showtime." Sa sobrang taas ng nota, pati mga anghel napatingala! Who better to open the intense biritan than our very own pambato sa bosesan? Anne Curtis at Jackie Gonzaga, nag-collab! Ihanda ang mga eardrums! Nangangabog ang unstoppable voices nina Carmelle Collado, JM Dela Cerna, Arvery Love, JM Yosures, Marielle Montellano, Lyka Estrella and Marko Rudio na pawang mga produkto ng Tawag Ng Tanghalan. Naki-celebrate rin ang Kapuso singers na sina Muriel Lomadilla, Garrett Bolden, Arabelle Dela Cruz, John Rex, Hannah Precillas, Jong Madaliday, at Jessiva Villarubin. Hindi na kailangan pang mag-review dahil ang mga Miss Q and A Celebrity Edition candidates for today's video, batak na sa pa-witty-han at patalasan ng utak sa chukchakan. Hindi lang pang-comedy ang kanyang acting, dahil pati sa drama, award-winning. Mula Best Actress, ngayon ay Best in Talak naman ang target ni Iyah Mina Mina Eh Eh Waka Waka Eh Eh. Sa kantahan, walang mataas na nota na palalampasin. Pero sa Miss Q and A, korona ang gustong abutin ni Anton Wanna Miss A Thing. Mula sa isla ng kagandahan, sinukat naman ang katalinuhan ni La Isla Donita, na nagsasabing promise hindi gawa ang ilong niya. Perfect lang talaga! Si Pretty Pepay Aguilar naman daw ang kumanta ng New Zealand, as in, "New Zealand ka sa mundong ito." Maliii! Laugh trip ang mga hirit niya, pero pagdating sa talakan, hindi lang siya puro patawa. At sa bawat lugar na kanyang pinupuntahan, good vibes naman ang iniiwan ni Queen Dura the Explorer. Mula sa lima, tatlo ang pumaslak sa Beklamation matapos maglaban-laban sa Wit Lang. Ang Top 3 na sina Pretty Pepay Aguilar, La Isla Donita, at Iyah Mina Mina Eh Eh Waka Waka Eh Eh ang nag-face off sa Beklamation, kung saan buong puso at talino nilang sinagot ang tanong na, "Bilang miyembro ng LGBTQIA community, sa palagay mo ba may pag-asa na ma-achieve ang equality?" #ShowtimeSeventeenig #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment