
Sa pagsisimula ng bagong yugto, birit your hearts out kasama si Kapamilya singer Jona, na nag-perform para sa Madlang People. Walang magbabago sa husay ng mga accla na reyna ng talakan. Sa "Miss Q and A," tatlong beki ang nagpagalingan para ang inaasam na korona ay makamtan. Meet Paloma Buenoo, Miss A, at Yoniel Torayno Acebuche. Lumalim ang usapan nang ang topic ay mapunta sa mga pinagdaanang "trauma" ng mga kanDidata. Si candidate number one, Paloma, ibinahagi ang pinagdaanan na masasakit na karanasan sa piling ng ama bago siya maging tanggap ng magulang at pamilya. Sina Yoniel at Paloma ang nagharap sa Wit Lang. Ay, bongga si girl Yoniel! May instant pa-press con habang tumatalak tungkol sa breakfast. At mukhang masarap ang almusal niya bukas dahil siya ang kinoronahan bilang Miss Q and A Reyna Talak-Era of the day. Balik sa regular edition ang Laro Laro Pick kasama ang mga taga-Sampaloc. Maging matamis ba ang kanilang destiny, o magmamaasim sa kanila ang swerte? Si player AJ, eager manalo para sa naka-schedule na kasalan. Speaking of kasal, si Darren Espanto, napatanong sa dream wedding ni Jackie Gonzaga. Hala?! Hindi inasahan ni Al na siya ang maglalaro sa jackpot round. At 40, mas pinili niyang maging single at mag-focus sa trabaho dahil breadwinner. Payo sa kanya ng "It's Showtime" family, i-enjoy muna ang oras para sa sarili hanggang sa dumating ang babaeng magsasabi sa kanya ng "Al-love you." #ShowtimeDisisyete #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.