
Sa loob ng 17 taon, maraming eksenang memorable na naipon sa "It's Showtime." Kaya sa pagtatapos ng weeklong 'Disisyete' 17th anniversary celebration, ginanap ang second year ng 'Showtime Awaaard' kung saan ang mga outstanding hosts with highlight moments ay nakatanggap ng recognition. Nandito si Fyang Smith! Ang "PBB Gen 11" Big Winner ang nag-present ng unang parangal, ang 'Ha Hakdog Award' para sa host na 'di natin ma-gets ang point. Panalo si Anne Cutis, na para bang kulang pa ang tatlong entries sa dami ng bulol moments. Si Ruffa Gutierrez naman ang nag-present ng 'Karir Na Karir' Award kay Ryan Bang for his impeccable 'sea lion' impersonation. At dahil hindi naman eme-eme lang ang okasyon, aba, may namuong tensyon! Kumontra si Anne nang masungkit ni Vice Ganda ang 'Best Actress in an Eme-Eme Showtime Awaaard Consideration Role' for her acting performance sa 'MEMErimar' skit sa 'Laro Laro Pick.' Hirit ni Anne, gawang-AI o Artificial Intelligence ang luha ni Vice, kaya hinamon niya ito at nagpakitang-gilas para patunayan kung gaano siya kabilis umiyak. Nag-tie naman sina Vice Ganda at Jhong Hilario sa 'Words of Wisdom' Award. Samantala, ginawad naman nina Charo Santos at Annette Gozon ang "Pero Nay Aminin Mo Pwedeng Special Jury Citation 'To" kay Vhong Navarro for his thought-provoking line, "Love is blind." Ang mga 'nahulog-log-log' moments ni Ogie Alcasid ang pinarangala ng 'The Fallen Star' Award. Si Jugs Jugueta naman ang tumanggap ng 'Best Live Sound Effects' award, at nakuha ni Karylle ang 'Wow Sabaw' Award. At binigyang-pugay si Amy Perez with the 'Lifetime Sa Showtime' Award. Napasabak din sa joke time sina Kyle Echarri at “PBB Collab 2.0” ex-housemates Inigo Jose at Joaquin Arce na nag-present ng awards. Guest co-host naman si Bianca Umali. #ShowtimeDisisyete #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.