
You and me, magiging happy dahil sa performance ng YUMI, ang girl group mula sa isang teleserye na kinabibilangan nina Zephanie, Olive May, Naya, Gaea and Mitzi. Naki-join din sa kulitan si Bianca Umali. Pero bago ang hosting duties, kumasa muna siya sa “Meme” dance challenge. Sa "Miss Q and A," bawat tanong may kasamang excitement at thrill. Stick to friendly competition lang sina Kim Sumaway, Freda, at Queen Sam Ri. Sisterly bond nila ay tumibay na backstage. Pero huwag malilito, hindi si Freda ang "kuya" sa kanilang tatlo! Laroooo! Sa pagsisimula ng competition, hagalpak sa tawa ang buong nation dahil ang mga kandidata, 1, 2, 3, go, kanya-kanyang hula sa tanong. Ano nga ba talaga ang alyas ni Robert Jaworski sa basketball? Sa hinaba-haba man ng tanungan, na-shoot pa rin ang bola at nakapuntos sina Queen Sam Ri at Freda. Sila ang nag-face-off sa Wit Lang round! Excuse muna sa classes, dahil sa Laro Laro Pick game arena muna present ang mga classmates nating Psychology student. Ma-ace kaya nila ang challenges at maka-graduate na may POT money? Agaw-eksena ang charisma ng estudyanteng si Aga, na idol at peg si Brent Manalo. Ay, gwapo! Kahit may itinitibok ang puso, priority niya ang pag-aaral. Ganyan din si player Carms, na feel na feel ang haba ng hair moment niya dahil sa manliligaw. Paano na nga ba magligawan ang Gen Zs? Uso pa ba ang harana? Eh, kung si Darren Espanto ba naman ang manghaharana, mapapa-oo ka talaga! Nabuhayan ang mga bisitang estudyante dahil ang mga naligwak, nabigyan ng pagkakataon na pumakak sa jackpot. Nabunot ang pangalan ni Dayan, na matapang na sinugalan ang POT question. #ShowtimeOctoBEST #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.