
Mic check, one-two, ready na ang entablado, isalang na ang mga kanta. Sa "It's Showtime," may bitaw ang saya! Para sa mga young stunna at rakista, sa Day 4 ng Disisyete celebration, kayo ang bida! May Flow G at Skusta Clee na, meron pang Apl.de.Ap at Bamboo, all for you dahil dis is your show! And daddy's home dahil back to his tahanan at reunited pa sa sayawan with his bros Vhong Navarro at Jhong Hilario si Billy Crawford. Sinaluduhan ang mga kuwento ng pagpupunyagi at pagsisikap sa special edition ng Laro Laro Pick kung saan bumida ang mga breadwinners na nagmula pa sa iba't ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Bumuhos ang luha ng mga players nang mapag-usapan ang kanilang pagod at doble-dobleng pagkayod. Para sa pamilya at kagustuhang baguhin ang kapalaran, minsan ang mga sarili ay kanila nang nakakalimutan. Para mapawi ang bigat na pasan, P5,000 o mahigit pa ang naiuwi ng mga players. Sa jackPOT round, tapang ang naging 'bread and butter' ni Feil. Feel na feel niya na kakampi niya ang tadhana, kaya ang POT question, sinugalan niya! Matapos masagot nang tama ang tanong tungkol sa anibersaryo ng "It's Showtime," gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Feil dahil uuwi siyang milyonaryo! #ShowtimeSinceDayOne #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.