
Informasi pemeran belum tersedia.
Bumilis ang pintig ng puso ng kababaihan sa studio dahil sa pagdating ng mga gwapo. P-Pop group na AJAA, pinakilig ang mga tao, 'yung kilig na may halong kaba kapag si crush ay nasa tabi mo na. They performed their single "Kakabakaba," na perfect background music kapag nakikita ang taong nagpapabilis ng heartbeat mo. Hindi pwedeng umatras ang mga beki na kinakabahan kapag oras na ng talakan. Panibagong linggo ng Miss Q and A, sinimulan nina Marjorie Lopez Buenaobra, Jov Prado, at Babyloves Monroe Solito. Astig ang kandidatang si Marjorie na game mag-dance exhibition with buwis-buhay moves. Aray mo, bhie! Doble naman ang pressure na nilabanan ni Babyloves sa entablado dahil sumali na rin ang sa Miss Q and A ang boyfriend niya at umuwing panalo. Kaya biro ni Jhong Hilario, parang 'niraket' ng mag-bebe ang Miss Q and A. Sumakses si Marjorie sa unang round at sumalpak sa Wit Lang kung saan nabunot niya ang tanong na, "Bakit tuwalya ang laman ng goto, at hindi bimpo?" Naka-face off niya si Jov na naging witty rin as she 'talak-ed' sa nabunot na question, "Bakit magaan lang ang hibe?" Bumuhos ang emosyon sa Laro Laro Pick game arena sa mva kuwento ng katatagan at pagmamahal na ibinihagi ng Madlang Solo Parents mula NCR. Bumilib ang Madlang People sa laki ng pagmamahal ni Danny sa mga anak, pati sa matibay nitong pananampalataya. Mahirap man daw ang buhay pero sisikapon ng biyudong si Danny na itaguyod ang pag-aaral ng mga anak. Very beautiful naman ang smile ni Eve sa kabila ng madilim na pinagdaanan sa kamay ng dating asawa. Eh, kung ready na siya na muling buksan ang puso, si Ogie Alcasid may irereto. Ang swerte ay kumapit kay player Nelle, na hindi rin napigilan ang luha nang ikuwento ang pinagdaanan bilang ina. Matapos umuwi mula Taiwan, kung saan sya nagtrabaho at nanganak, bigla na lang tumigil sa pagsusustento ang ama ng kanyang anak. Naging praktikal si Nelle at tinanggap ang Li-Pot offer. Tama kaya ang kanyang desisyon? #ShowtimeNovemberGV #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment