
Maningning ang pagsisimula ng Tuesday sa “It’s Showtime.” We choose happiness, and we choose a fun jamming with Jan Roberts at Lola Amour with their song "Tapos Na Ba Tayong Dalawa." Times four ang tawanan dahil sanib-pwersa muli ang quadro nina Vice Ganda, Anne Curtis, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa paboritong "It's Showtime" segment na Miss Q and A. Times three naman ang wit at good vibes na dala nina candidates Labinya Winter, Valerie Evangelistar, at Gibi Esguerra who made the FUNanghalian extra interesting dahil sa mga talak nila na 'it's giving.' Habang kinikilala ang mga kandidata, nalaman ni Vice Ganda angbpagkahilig ni Gibi sa luxury items, kaya hate niya si ‘judith.’ Payo naman ni Meme Vice, mag-impok lalo na sa kalusugan dahil walang tao na hindi nagkakasakit. Health is wealth, ‘ika nga. Sa Wit Lang, sina Labinya at Gibi ang nag-face off. Dahil sa LOVE-an na LOVE-an niyang kasagutan, with lots of love na tinanggap ni Gibi ang korona as today's Miss Q and A Reyna Talak-Era. Make sure you are always smiling para dumapo ang blessing. POT question ay dapat masagot nang tama para ang premyong inaasam ay ma-achieve sa Laro Laro Pick. Tourism students ng NCR ang bumida sa game arena. Si Maica, kabado for today’s video. Pero nawala ang kaba nang tabihan ni jowa. Madlang People ay kinilig kina Maica at Cris at sa kanilang kuwentong pag-ibig. At ang harana ni player Ainsley, nauwi sa busking. Ang galing! Para bang may swerteng dala ang boses niya, dahil si Ainsley ang nabunot para maglaro sa jackpot round. Tama ba ang napili niya? #ShowtimeThoughtProcess #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.