
Pak na pak ang mga kandidatang tumalak sa Miss Q and A Weekly Finals. Dahil sa malakas na cheer ng Madang People, napa-"and I thank you" sina Elthon Bequio, Trixie Gomez, Gabriela Duevall, Queen Sam Ri, Freda, at Kathryn Fernando Poe, Jr. Ang mga accla, nagbardagulan at bumuo ng kani-kanilang grupo. Pero at the end of the competition, nangingibabaw pa rin sa kanila ang nahanap na bagong sisterhood... at may nahanap din na pag-ibig? Si Gabriela, na-love at first sight sa 'poganda' na si Queen Sam Ri. At totoo ba ang balita na may isang lasing na kandidata?! Ang Top 4 na sina Sam Ri, Elthon, Freda, at Gabriela ang umabante sa Wit Lang round. At mula sa apat, dalawa lang ang nag-face off sa Beklamation. It's Sam Ri versus Elthon sa katanungan na, "Sa panahon ngayon anong mas nakakatakot, katangahan o kasamaan?" Talak ni Sam Ri, mas nakakatakot ang katangahan dahil ito ang dahilan kung bakit marami ang nabibiktima ng fake news. "May mga taong matatalino pero nagtatanga-tangahan kaya nadadakip sila at napapaniwala ng mali," sabi ni Sam Ri. Mula NCR, sumugod sa Laro Laro Pick game arena ang Madlang Players na nangtatrabaho sa printing shops. May isang player ba na magpapa-tarpaulin ng "congrats" dahil na-hit ang jackpot? Ay, nakaka-in love talaga! Nakisali pa sweet-sweet-an sina Darren Espanto at Jackie Gonzaga, na pinakilig ang Madlang People sa kanilang 'rainy moment' na eksena! Pagkatapos ng It's Giving, You Gotta Lyric, at Laro Laro Pick rounds, ang joy ay kumapit kay player Joy. #ShowtimeTalakitOct #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Informasi pemeran belum tersedia.